Kabanata 37 Nakangiti si Haze na bumaba mula sa kwarto niya nang umaga na iyon. Dumaan siya sa portico dahil nakita niyang naroon nag-aalmusal ang mga magulang niya. He feels so light today. Nakaporma siya kaysa sa tipikal niyang porma, suot ang mamahaling shades at pinakamamahaling pabango. “Morning,” masayang bati niya sa dalawa at nagkatinginan ang mga iyon. Hinalikan niya ang ina sa ulo at inakbayan ang Papa niya. “What’s the occasion today, son? Did we miss any? You’re incredibly handsome,” his father said. “Akalain mong may ipopogi pa pala ang kaisa-isa kong anak,” anaman ni Smile, “Kumusta si Lacey, anak? Hindi napapasyal ang batang yun dito.” Napakibit balikat siya, “We’re official. She’s my girlfriend.” Tumangu-tango ang ina niya at nagpahid ng labi, “Lacey is a good