Chapter 50 Ilang missed calls na pala ni kuya Calix ang hindi ko nasagot dahil sa pag-iyak ko sa aking kwarto. Naaawa kasi ako kay Zed at nakokonsensya ako sa mga nagawa namin sakanya. Alam kong pinili kong sundin ang puso ko pero kung may choice lang sana akong hindi saktan si Zed ay gagawin ko. Naging mabuting nobyo naman kasi sakin si Zed. Ginagawa niya lahat para lang magustuhan ko rin siya. Pero sadyang hindi talaga natuturuan ang puso lalo na't may laman ng iba. Nakadapa ako sa aking kama habang umiiyak ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko "Baby" Napalingon agad ako sa taong nakaupo sa gilid ng kama ko. Walang iba kundi si kuya Calix He's still wearing his tuxedo. Madalas naka-tuxedo ang kuya ko kapag galing siya sa kanyang opisina. "Anong ginagawa mo rito ku