Chapter 64 "Dito tayo inom kuya" Pag-yaya ko kay kuya Calix sa balkonahe ngunit umiling siya "No. Malamig diyan at medyo maulan pa" Napanguso tuloy ako. Hindi naman kasi kami mababasa sa balkonahe kung nasa gilid lang kami eh. "See? Basa na" Tinuro niya yung laylayan ng kumot na pinangbabalot ko sa aking katawan. Basang basa na pala ang halos kalahati ng kumot. Hindi ko man lang naisip na mababasa iyon! Natapik ko tuloy ang sarili kong nuo "Naku oo nga!" Pumasok nalang tuloy ako sa loob ng condo dahil basang basa na yung laylayan ng kumot. "Leave it right there, mababasa yung carpet" Nauna nang lumakad patungo sa sofa si kuya pagkatapos niya akong utusang iwanan yung kumot doon sa balkonahe. May dala siyang dalawang beer in cans. Ipinatong niya iyon sa center table tapos pinagpat