Chapter 22 RUSTIN POV Napangisi si Rustin nang makuhaan niya ng litrato ang kanyang target. Bilang isang imbestigador na gwapo mahirap para sakanya ang pagpawisan. Kaya naman gusto niyang tapusin agad ang kanyang trabaho sa araw na iyon. Tatlong araw na rin siya sa liblib na probinsya na iyon. Ginamit pa niya ang personal helicopter ng kanyang kliyente para makarating doon ng mabilis. Masyadong liblib ang lugar na iyon at para bang napag-iwanan na ng panahon. May isang bayan lang roon na kakaunti ang naninirahan. Mga simpleng taong probinsyano ang kadamihan sa mga iyon Well, kaya siguro doon napili ng isang nagtatagong pulitiko ang lugar na iyon dahil masyado iyong malayo sa Maynila. Pero matinik siyang imbestigador kaya naman natunton niya ang kinaroroonan nito. "Hay salamat makak