Chapter 24 AGNES POV "Lola ang dami pong tao sa labas. Kung hindi sila aalis, hindi ako makakabili ng bigas natin. Paano tayo kakain mamayang gabi?" Tatlong araw na silang hinaharas ng ibat-ibang tao sa labas ng kanilang munting tahanan. Ang kanilang nananahimik na mundo ay bigla nalang nagulo. Nagsimula ito noong isang linggo na ang nakakaraan may isang imbestigador na gwapo ang napadpad rito sa kanilang baryo. Si Kuya Rustin. Noong una ay natakot siya sa binata dahil para itong galit sakanya. Pinagkamalan siya nitong ibang tao. Hangang sa ipinaliwanag nito sakanila ng kanyang lola na isa itong imbestigador. Ikinuwento nito sakanila ang nangyayari sa maynila. Wala silang kamalay-malay ng kanyang lola na may impostorang babae ang nagpapangap bilang Agnes. Hindi nga sila makapaniwala