Chapter 54 Agnes POV "O Agnes bakit iniwan mo yung trolley mo doon--" "Susan ikaw muna. Nahihilo ako" Nakasalubong ko si Susan sa loob ng grand resort mansion. Isa iyong hotel mansion ng O-thai resort. Naroon rin ang kusina kung saan nagluluto ang mga chef at doon rin ang lounge room naming mga empleyado. Balak kong dumiretso sa employees restroom nang makasalubong ko si Susan. Kakalabas niya lang sa restroom at nagulat pa siya nang makasalubong niya ako "Ha? Naku pareho kayo ni Coco? Ano bang nakain niyo" Hindi ko na pinansin si Susan dahil kailangan ko ng sumuka. Bigla kasi bumaligtad ang sikmura ko dahil sa mga taong hindi ko inaasahang makita ngayong gabi Sinundan ako ni Susan hangang sa loob ng cubicle. Hinagod niya ang likuran ko ng magsuka ako sa bowl. Naiiyak ako habang