Chapter 18 Inilibot ni Agnes ang kanyang paningin sa buong condo unit ni Calix. Kumakalam na ang sikmura niya kaya minabuti niyang magluto. Isang oras na kasi ang nakakalipas simula nang mag walk out ang bwisit na lalake at hindi pa ito bumabalik. Saan kaya ito nagtungo? Paano siya makakapahinga kung nagugutom siya? Mag-aalasais na rin ng gabi kaya't nag aalburoto na ang mga bituka niya Napasimangot si Agnes ng makita niyang walang kahit anong pag-kain ang naroon. Tanging mineral water lamang ang laman ng ref. "Anong klaseng condo to? Wala man lang pagkain kahit tinapay" Napapanguso siya. Ginutom pa naman siya gawa nang kakaiyak niya maghapon Naisip niya ang sangol sa kanyang sinapupunan. Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa anak niya. "Sorry anak ha? Naging emosyonal si mommy bu