Chapter 28 CALIX POV Naglalakad siya sa lobby ng hotel at may mga matang nakasunod sakanya. Bahagya niyang sinulyapan ang mga taong nakatingin sakanya. Impit na tumili ang mga babaeng nasulyapan niya. Ang tatlong receptionist ng hotel na iyon. Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay niya sa mga ito. Kilalang kilala naman siya ng mga ito bilang si Calix Hoffman. Pinsan niya ang may-ari ng hotel na ito kaya't kahit labas masok siya dito ay walang problema "Ang gwapo naman ni Sir Calix." Rinig niyang sambit pa ng isang receptionist nang dumaan siya sa harap ng mga ito. Doon kasi ang daan patungo sa elevator. "Grabe ano kayang ginagawa niya dito?" Bulong pa ng isa "Baka pupuntahan niya yung bata at lola na dinala niya rito nung nakaraan?" Hindi nalang niya pinansin ang mga pagbubulunga