Chapter 62 "Naubos mo na siguro yung hot water ng shower sa tagal mong maligo" Pagrereklamo ko nang sa wakas lumabas na rin ng banyo si kuya Calix. "Ihing-ihi na kasi ako eh!" Dagdag ko pa Halos mag-dadalawang oras na siyang naliligo kaya ilang oras ko ng pinipigilan ang pagputok ng pantog ko Ngumisi lang siya nang tumakbo nako papasok sa loob ng banyo. Hindi ko na napansin yung nakaka-akit niyang pangangatawan dahil ihing-ihi nako. Wala nakong oras para tignan ang itsura niya. Hindi ko napansin na nakatapis lamang siya ng tuwalya sa pang-ibabang katawan niya. And his upper body was fully naked infront of me! Hindi ko un napansin dahil mas inuna kong umihi muna. Sinarado ko agad ang pinto ng banyo bago ako umihi. Pagkatapos kong umihi napagdesisyonan kong maligo na rin. Nakakahiya