HINDI nakatulog magdamag si Aniya dahil sa mga agam-agam niya. Sinamahan siya ni Nash sa ospital hangang hating gabi. Iniisip din niya ang nalalapit na operasyon ng nanay niya. Mabuti na lang wala silang pasok sa school nang araw na iyon. Naghahanda na ang paaralan para sa foundation day pero hindi na siya interesado roon. Hindi rin naman siya makadadalo dahil paghahandaan niya ang mas mabigat na problema. Nang dumating si Mang Anding ay pinauwi muna siya nito sa bahay nila. Nahihilo na rin siya sa antok kaya pumayag na siyang umuwi. Tambak na rin ang labahin niya. Mabuti meron silang washing machine. Isinalang niya roon ang kaniyang labahin. Hindi pa siya pumapasok sa kuwarto ng nanay niya. Inuna kasi niya ang labahin. Naisama na rin niya roon ang labahing damit ng kaniyang ina. Nag-aal

