HATING gabi na’y nasa salas pa rin si Aniya at nag-aabang kay Lucian. Hindi man lang ito sumagot sa text niya. Ang sabi naman ni Frank ay nakauwi na ito at nag-report sa opisina ng laboratory pero umalis din kaagad. Wala naman itong ibang sinabi sa text kundi ang umuwi siya bago ang closing time ng laboratory. Hindi nito sinasagot ang tawag niya. Parang pusa siyang hindi mapaanak lalo na’t may mga hunter na umaaligid sa labas. Nakita na naman niya ang hunter na may dalang aso. Mamaya ay tumunog ang kaniyang cellphone. Excited pa naman siya pero hindi si Lucian ang tumatawag kundi ang mommy nito. Sinagot pa rin niya ito. “Hello po!” aniya. “Hija, sorry if I disturb you. I’m just worried about you and Lucian,” sabi ng ginang. “Ano po ang nangyari?” Ginupo na siya ng kaba. “Ako dapat an

