HALF-DAY na naman ang pasok ni Lucian dahil tanghali na siyang nagising. Si Aniya ay pumasok pa rin kahit late na. Bilib talaga siya sa sipag nitong mag-aral. Hindi ito nakapag-almusal kaya nagpabili siya kay Frank ng lunch at bitbit na niya pagpasok sa school. Nasa laboratory ang buong morning class nila Aniya kaya doon siya naghintay sa paborito niyang tambayan. Nang maglabasan ang mga kaklase ng dalaga ay inabangan na niya ito. Nag-text naman siya rito pero walang reply. Namataan niya itong kalalabas, matamlay at nakanguso. Niyayaya ito ng mga kaibigan na kumain sa labas pero tumanggi nang makita siya. Kaagad naman itong lumapit sa kaniya na nakasimangot pa rin. Padabog itong lumuklok sa katapat niyang bench. “What’s wrong?” curious niyang tanong. “Ang baba ng score ko sa oral exam

