HINDI kaya ni Aniya magtampo nang matagal kay Lucian. Plano niya na huwag itong pansinin hanggang umaga. Pero nang humilab ang kaniyang sikmura, lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Napako ang mga paa niya sa sahig nang madatnan doon ang binata na nagluluto ng hapunan. Hindi pa ito nagpapalit ng damit. “Ano ba ang gusto mong ulam ngayon?” tanong nito pero hindi nakatingin sa kaniya. “Kahit ano,” nakasimangot niyang tugon. Tuluyan siyang pumasok at lumuklok sa silyang katapat ng lamesa. “Okay na itong fried chicken. Ikaw lang naman ang kakain,” sabi nito. May naluto na itong dalawang hita ng manok. Inihain na nito iyon sa lamesa. Kinuha lang nito ang rice cooker at pinatong sa lamesa. Siya na lamang ang kumuha ng plato niya. Magkakamay na lang siya tutal tuyo naman ang ulam

