Chapter 24

2270 Words

INAASAHAN ni Aniya na naroon si Lucian sa ospital pero laking gulat niya nang ipatawag ulit siya ng mommy nito. Nagtungo siya sa opisina ng presidente. Malamang ay magtatanong na naman ito tungkol kay Lucian. Ang weird lang na hindi nito kabisado ang sariling anak. “Pasensiya na sa abala, hija. Alam ko na may alam ka sa nangyayari kay Lucian. Please tell me the truth,” samo ng ginang. “Uhm, ang totoo po niyan ay hindi ko rin maintindihan si Lucian. Minsan ay ayaw niya ng kausap.” “Pero ikaw ang kasama niya kahapon noong nilagnat siya. Hindi ba niya sinabi sa iyo kung ano pa ang ibang nararamdaman niya?” “Wala naman po siyang sinabi. Ilang beses ko na ring sinabi sa kaniya na magpatingin na siya sa doktor pero ayaw niya. Okay lang daw siya. Pero kanina ay nagsuka siya. Ang tamlay niya,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD