NANGGIGIGIL si Lucian dahil sa ginawa ng kaniyang ama. Pero sa huli ay na-realize niya na may point si Tedio. Parang dinaya nga lang niya ang kaniyang sarili kung aasa siya sa kakayahan ng pendant upang makontrol ang bangis ng werewolf. Nilapitan siya ni Mang Elmer at kinuha sa kamay niya ang nasirang pendant. Napasintido ang ginoo. “Wala na itong silbi, Lucian. Wala kang choice kundi manu-manong pag-aralang kontrolin ang bangis mo. Bukas ng gabi pa naman ang full moon,” sabi nito. “Tama si Tedio, hindi ko kailangan ng pendant,” aniya. “Pero mahihirapan ka lalo na’t expose ka sa mga taong puwedeng magdulot ng negatibong emosyon sa ‘yo.” “Sisikapin kong maging madali ang lahat. Unti-unti ko na ring natutunang tantiyain ang pagpapalit ko ng anyo. Salamat sa mga payo mo, napapakinabangan

