NASANAY na si Aniya na inaabot ng madaling araw sa pagtatrabaho. Pabor sa kaniya ang mas maigsing oras pero tila hindi naging maganda ang dating nito sa ibang katrabaho niya sa hotel. Kahit hindi niya harap-harapang naririnig ay ramdam niya na pinag-uusapan siya ng ibang nasa housekeeping department. Ramdam din niya ang malamig na pakikitungo ng iba sa kaniya, lalo na ang kapwa niya working students. Wala naman siyang magagawa kung si Nash mismo ang nagpasya na bawasan ang oras ng duty niya. Uso rin ang tsismis sa hotel. Malamang may nakatunog mula sa accounting office na hindi nabawasan ang salary rate niya kahit nabawasan ang oras. Pauwi na siya nang masalubong niya ang mga kapwa cleaner sa hallway ng lobby. “Sana all favorite ni Boss,” sabi ni Emma. “Sana all din close kay Boss,” g

