NAPAGTANTO ni Lucian na masyado na siyang napalapit kay Aniya. He was trying to ignore Aniya, but it seemed like a curse that suddenly changed his mind every time he saw her. He doesn’t know why.
Hindi siya ganoon kadaling mapalapit sa babae, lalo kung bagong kakilala. Kahit nga matagal na niyang kilala ay hindi niya kayang makisama na hindi naiirita. Even Kimberly didn’t win his sympathy. They grew up in the same environment, as close as a neighbor. Pero kahit kailan ay hindi dumating sa point na magkakagusto siya sa dalaga.
Obvious na pilit kinukuha ni Kimberly ang atensiyon niya lalo na sa school. Wala siyang pakialam kahit kumalat na ang rumor na sila na. Alam niya na naghihintay lang din ng tiyempo ang kaniyang ina upang makausap siya nang maayos tungkol sa kanila ni Kimberly.
Hindi siya madaling makalimot. Dose anyos siya noong narinig niya na nag-uusap ang mommy niya at si Dr. Ignacio. They were planning to settle a marriage between him and Kimberly. It means they destined him to Kimberly. He noticed the closeness of Kimberly to his mother, and it’s evident that Kimberly knows their parents' plan for them.
Wala naman siyang problema roon, pero ayaw niyang ipilit ang bagay na hindi siya kumportable. Kung sakaling igiit ng kaniyang ina ang plano nito, mapipilitan siyang piliin na lumayo.
Isang oras na siyang nakatambay sa opisina ng kaniyang ina pero hindi pa ito dumating. Nag-ikot daw ito sa iba pa nitong negosyo. Wala naman masyadong gagawin sa opisina kaya nagpasya siya na umalis. Inimbita na naman siya ni Nash sa hotel nito. Gusto nitong ipatapos sa kaniya ang isang painting na ilalagay kuno nito sa VIP hotel suite.
Sa halip na uuwi ay dumiretso siya sa hotel ni Nash. Huling chat nito ay sinabi na naghihintay ito sa restaurant. Naiwan pa sa penthouse nito ang art materials niya. Pagdating niya sa restaurant ay naghihintay na sa isang lamesa si Nash. May pagkain na ring nakahanda. Hindi siya nagmeryenda kaya maaga siyang ginutom. Saktong alas-siyete ng gabi siya nakarating doon.
“Akala ko hindi ka darating. Nag-seen ka lang sa chat ko, eh,” sabi ni Nash nang makaupo na siya sa katapat nitong silya.
“Tinatamad akong magtipa sa cellphone,” sabi lamang niya.
Ngumisi si Nash. “Alam mo, kung hindi lang kita kabisado, sasabihin ko na boring kang ka-bonding.”
Hindi siya nagkomento. Nagsimula na siyang kumain. Plated ang pagkain at gusto niya ang set, not so heavy.
“Kumusta na pala si Aniya? Tinatawagan ko siya hindi sumasagot,” pagkuwan ay tanong nito.
Bigla siyang nairita. “Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman kami magkasama sa bahay,” inis niyang turan.
Tumawa nang pagak si Nash. “Relax. Bakit ba ang init ng ulo mo? Nag-away na naman ba kayo ng mommy mo?”
“Ayaw ko lang na tinatanong ako tungkol sa mga bagay na wala naman akong kinalaman.”
“Tsk! Hindi na kita maintindihan. Noong isang araw ako ang kinukulit mo para lang ipaalam ang nangyari kay Aniya. Nakiusap ka pa na bawasan ko ang oras ng duty niya. Hindi ko tuloy maintindihan kung concern ka ba sa babaeng iyon o galit.”
“I’m just doing my part as a concerned individual. I’m not interested bout other people’s life. Labas na ako roon.”
“Fine. Pero nagkikita naman siguro kayo ni Aniya sa ospital or sa school. Imposibleng hindi ka niya kinakausap.”
Lalo siyang nairita. “Bakit ba kailangan mo pang alamin ang sitwasyon niya? Masasayang lang ang pag-aalala mo sa babaeng iyon dahil sa katigasan ng ulo.”
“Bakit?” natatawang tanong nito.
“Pumasok na siya sa ospital.”
Biglang natawa si Nash. Mariin namang kumunot ang noo niya. Ano ba ang nakatatawa sa sinabi niya?
“Alam mo, bro, hindi na talaga kita maintindihan. Sabi mo wala kang pakialam kay Aniya pero alam mo na pumasok siya sa ospital at alam mo na matigas ang ulo niya.”
Napatda siya. Sa halip na mapikon ay hindi na lamang siya nagpakita ng emosyon. Nagpatuloy siya sa pagsubo ng pagkain. Nagiging madaldal lang naman siya kapag si Nash ang kaniyang kausap. Wala talaga siyang naitatagong sikreto rito.
“Kumusta na pala ang paghahanap mo sa totoo mong magulang, Lucian?” mamaya ay tanong ni Nash.
Naibalik niya ang tingin dito. Alam din nito ang tungkol doon dahil ito ang unang pinagtanungan niya tungkol sa private investigator. Ang ni-refer nito sa kaniya ay hindi tinanggap ang ipapagawa niya dahil kulang sa reference.
“May nakausap na akong investigator na merong ahensiya.”
“Ano ba ang reference na ginamit mo? Ang hirap kasi ng problema mo. Kahit man lang sana buong pangalan ng nanay mo.”
“Late ko nang napansin na meron palang nakaburdang pangalan ng ospital sa lampin na ginamit sa akin noon. Nakalagay rin doon ang address.”
“I think it takes time to find your parents. Twenty-six years na ang nakalipas. Hindi natin alam kung buhay pa ang parents mo. Baka mamaya ay malaman ito ng mommy mo at magalit siya.”
“Maintindihan din niya ko. Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari sa pamilya ko bakit nila ako iniwan sa labas ng bahay nila Mommy. It doesn’t mean that I will leave them once I found my biological parents.”
“Kung sa bagay, rights mong makilala sila. Sana nga ay buhay pa sila. Teka, saang lugar ba kamo naka-address ang ospital?”
“Sa Urdaneta Pangasinan. Private hospital siguro iyon.”
“Kaso matagal na iyon, baka wala na ang record mo roon. Mahirap ding hanapin ang record kung hindi mo alam ang buong pangalan ng nanay mo.”
“Baka magawan iyon ng paraan ng agent.”
“Sana nga nang matahimik na rin ang isip mo.”
Hindi na siya kumibo. Umingay na sa restaurant dahil dumagsa ang gustong kumain. Mamaya ay nahagip ng paningin niya ang pamilyar na babae na patungong counter. Sa employees line ito pumila. Siguro kukuha ito ng pagkain. It means, hindi pa ito naghahapunan. Hindi ba libre ang dinner sa ospital para sa empleyado na nasa janitorial department? He’s not sure about it.
Nakita rin ni Nash si Aniya at walang alinlangang tinawag ang dalaga habang naghahanap ito ng mapagpupuwestuhan. Gusto ata ni Nash na doon pupuwesto si Aniya. Naninibago siya sa kaniyang pinsan.
Nash never entertained low-profile people before. He was kind to his employees, but he never treated them like Aniya. Or maybe Nash was enjoying himself as single again. Maaring nililibang lang nito ang sarili upang makalimutan si Sandy. Pero bakit si Aniya? Marami naman itong kaibigan sa showbiz.
Naiilang pang lumapit sa kanila si Aniya. Pero talagang tumayo pa si Nash at sinundo ang dalaga. Ito pa ang nagdala ng plato ng pagkain ni Aniya.
“Doon na lang po ako sa kabila, sir,” ani ni Aniya.
“Dito na. Gusto rin kitang makausap,” pilit naman ni Nash. Pinaghila pa nito ng silya ang dalaga sa gawing kaliwa niya.
Lucian tried to ignore a woman, but Aniya’s presence seemed like a magnet, pulling him to glance at her. Ibinaba na lang niya ang kaniyang tingin sa plato nito. Ang konti naman ng kanin nito at ulam. Ganoon lang ang rasyon na binibigay rito samantalang hindi biro ang trabaho sa hotel, lalo na sa mga katulad nitong nasa housekeeping department.
“Kumusta ka na?” tanong ni Nash sabay hawak sa kanang kamay ng dalaga.
Awtomatiko namang lumipad ang tingin niya sa kamay ng mga ito na magkapatong. Marahan namang inalis ni Aniya ang kamay na nakapatong sa lamesa at hawak ni Nash. Ramdam niya ang pagkailang nito.
“Uh… sa awa ng Diyos ay bumubuti na rin ang pakiramdam ko,” tugon ng dalaga.
“Pero dapat hindi ka muna pumasok. At saka hindi ba nasa ospital pa ang nanay mo?”
Sinundan din ng tingin ni Lucian ang kamay ni Nash na nagsasalin ng beef with mushroom sa plato ni Aniya. Dinagdagan din nito ang kanin. Extra rice nila iyon at ang isang order na beef.
“Nakalabas na kahapon ang nanay ko. Nasa bahay na siya at nagpapagaling,” ani ni Aniya.
“Mabuti naman. I hope you are getting better, too. Sabihin mo lang kung hindi mo pa kayang magtrabaho nang mabigyan kita ng additional leave. Kaso narito ka na naman.”
“Ayos lang. Kaya ko naman ang trabaho. At salamat kasi binawasan ninyo ang oras ng duty ko.”
“Kay Lucian ka magpasalamat kasi siya ang nakiusap sa akin na gawin iyon.”
Nabaling naman sa kaniya ang atensiyon ng dalaga. Ibinaba niya ang kaniyang tingin sa pagkain.
“Salamat, Lucian. Sa dami ng naitulong mo sa akin, hindi sapat ang thank you lang. At sorry kung minsan ay nasusungitan kita. Noon lang naman iyon kasi may time na nakakainis ang kasungitan mo,” walang abog na sabi ng dalaga.
“Ayos lang ‘yon,” tipid niyang tugon.
“Naks. Mukhang hindi maganda ang naging tagpo ninyo noong una, ah. Dahil ba iyon sa nasira mong cellphone, Aniya?” sabad ni Nash.
“Oo, pero okay na. Napaayos ko na ang cellphone ko.” Nawala na ang bakas ng pagkailang sa tinig nito.
“Ayon. Mabuti naremedyuhan. Pero bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?”
“Kuwan, nasa ospital kasi ako at naka-duty. Bawal kasi gumamit ng cellphone habang on-duty pa. May oras kasi akong hinahabol.”
“Ang higpit naman ng DRMC. Dito sa hotel ko, puwede ang cellphone basta hindi inaabuso ang freedom ninyo at huwag lang mahuli ng CCTV na mas mahaba ang oras sa cellphone kaysa trabaho.”
“Hindi naman ako gumagamit ng phone sa tuwing nagtatrabaho. Minsan lang kasi tumatawag si Ate Erman.”
“I know. Alam ko rin na masipag ka at hindi nagbibilang ng trabaho. Kaya gustong-gusto kita, eh.”
“Salamat, sir.”
Naubos na ni Lucian ang kaniyang pagkain at gusto na niyang umalis. Hindi niya maintindihan bakit ang bilis niya lalong mairita. Hindi siya nakatiis at tumayo.
“Mauna na ako sa inyo,” paalam niya.
“Wait, ang bilis mo namang kumain. Hindi pa nangalahati ang pagkain ko,” pigil ni Nash.
“Ang daldal mo kasi,” aniya.
“Ito naman ang killjoy. Maupo ka muna at magkuwentuhan tayo ni Aniya.”
“Kayo na lang magkuwentuhan. Mukhang kayo lang naman ang nagkakaintindihan. Hihintayin na lang kita sa rooftop. Tatambay lang ako sa bar,” aniya saka tuluyang tumalikod.
“Hey! Lucian!” tawag ni Nash.
Hindi na siya nag-abalang lumingon. Nagpatuloy siya sa paglalakad palayo sa mga ito.
Bago pupuntang rooftop ay lumabas muna siya ng hotel upang kunin ang kaniyang baong set ng damit. Baka kasi aabutin na siya ng umaga roon sa hotel. Binubuksan niya ang pinto ng kotse nang mahagip ng paningin niya ang lalaking nakatayo sa gilig ng poste ng garahe, may tatlong dipa ang pagitan sa kaniya.
A man wore black jeans, black leather jacket. Both hands were in his pocket while looking at him straight. May suot din itong ball cap na itim pero nakalugay ang gabalikat na buhok na aalun-alon. May makapal itong balbas. He looks familiar, but Lucian can’t remember where he saw this man before.
May nginunguya ang lalaki at nakaekis ang mga paa. Kaduda-dula ang kilos nito. Binalewala niya ito at kinuha ang naka-paper bag niyang damit. Pagkuwan ay nai-lock niya nang maigi ang kotse.
Nilagpasan lang niya ang lalaki. Ngunit kung kailan papasok na siya sa entrada ng hotel ay may tumawag sa kaniya.
“Lucian!” tawag ng baritonong boses ng lalaki.
Napahinto siya at lumingon sa likuran. Naroon pa rin ang lalaki at tila sinundan siya. Huminto ito may isang dipa ang pagitan sa kaniya. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil nakayukyok ang sombrero. He was shocked. Why this man knows his name?
“Who are you? How did you know my name?”
“Let’s talk,” anito.
Umiling siya. “Sorry, I don’t wanna talk to a stranger like you. Please don’t show me your face again. I’m busy,” he said and left the man.
Hindi naman siya nito muling tinawag pero isang beses pa niya itong nilingon. Naroon pa rin ito at nagtanggal ng sombrero. Natigilan siya nang magtama ang mga mata nila. He felt a sudden emotion that instantly sent an unusual heart rhythm in his heart.
Biglang tumalikod ang lalaki at naglakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makatawid ito ng kalsada. Ngunit isang kurap lang niya ay bigla itong nawala. Malinis ang kalsada. Wala namang establismento sa tapat na puwede nitong pasukan kundi ang pader ng pribadong lupain.
Balisang pumasok siya ng hotel at dumiretso sa rooftop. The image of the man was still ruining his mind. He was curious about the stranger guy.