Chapter 65

2455 Words

TAHIMIK lang si Lucian habang nagmamaneho. Si Aniya lang ang nagsasalita habang nililibot nila ang bayan ng Urdaneta. Nagkukuwento siya tungkol sa kasaysayan ng bayan. Nang mapansing hindi naman interesado si Lucian, nag-isip siya ng ibang kuwento. “Alam mo noong bata ako? Palagi akong namamasyal sa amusement park kahit mag-isa ako. Kasi busy naman palagi si Nanay sa trabaho. Minsan nga naligaw pa ako. Iyak ako nang iyak. Mabuti nakita ako ng pulis at dinala sa istasyon nila. Nanawagan sila para makarating kay Nanay,” natatawang kuwento niya. “Ilang taon ka noong naligaw ka?” tanong ni Lucian. “Ten years old.” “Malaki ka na pala. Marunong ka nang magbasa niyon.” “Eh first time kong nakapunta sa amusement park na bago noon sa bayan, eh.” “Maliit lang itong bayan. Kung sa Maynila ka, b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD