ALAS-DIYES ng gabi nakauwi si Aniya. Ang dami pa kasing kuwento ni Aleng Koreng at namigay ng mga imported chocolate na pasalubong pa ng kapatid ni Mang Anding mula Canada. Hindi siya kaagad pinauwi kaya pinagbigyan niya. Pagpasok niya sa bahay ay tahimik. Pinakiramdaman niya ang kuwarto ni Lucian. May narinig siyang mabibigat na paghinga mula sa loob. Hindi naka-lock ang pinto kaya dahan-dahan niyang binuksan. Namataan niya si Lucian na naging halimaw at nakaluklok lang sa sahig sa gilid ng kama. Tuluyan siyang pumasok. “L-Lucian…” sambit niya habang pinagmamasdan itong nakayuko. “Ang tagal mo,” sabi nito sa baritonong tinig. “Ayaw pa kasi akong pauwiin ni Aleng Koreng. Marami siyang bibigay na chocolates. At saka may pinag-usapan kami ni Jonie. Alam na rin niya ang tungkol sa iyo dah

