Chapter 84

2163 Words

APAT na oras lang ang naitulog ni Aniya. Dahil sa natanggap niyang text message mula sa unregistered number ay hindi siya pinatahimik ng agam-agam niya. Sinabi na niya iyon kay Lucian at pilit siyang pinakakalma. Nasa mansiyon na sila at inaayusan siya ng baklang makeup artist. Nakahanda na ang lahat. Alas-diyes ng umaga magsisimula ang seremonya pero maaga pa lang ay aligaga na ang mommy ni Lucian. Hindi rin nag-report sa opisina ang daddy nito dahil priority ang party. Dumating na ang mga pulis na magbabantay sa labas at loob ng bakuran. Naroon din ang ibang ka-frat ni Nash at mga kaibigan ni Jonie. Maaga ring dumating sina Mang Anding at Aleng Koreng at tumulong sa paghahanda. Kampanti si Aniya na magiging ligtas ang seremonya dahil maraming bantay. Tiniyak nila na walang kahina-hinal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD