WALANG tigil ang pagpatak ng luha ni Aniya nang sabihin ni Mr. Hangenburg na pinatay na nito si Darren nong balak nitong tumakas. Hindi siya makapaniwala na ang desenteng taong ito ay siya palang leader ng sandugo gang na pinangakuan ni Darren na ibibigay ang kolateral sa pag-avail ng red card, na siya ang kapalit. Naroon siya sa magarang silid at nakagapos ang mga kamay at paa habang nakaluklok sa kama. Nakatali sa headrest ng kama ang mga kamay niya. Doon siya namulat at si Melvin ang kaharap niya, ang leader ng mga hunter na traidor pala. Kumislot siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Hangenburg. Marunong din pala itong magtagalog dahil matagal nang pabalik-balik sa Pilipinas. Totoong businessman ito, pero marami ring business na ilegal. “I am waiting for your beast fiance to

