SA tuwing hapon na nagre-report sa ospital si Lucian para sa paperwork. Busy ang mommy niya sa ibang business nito kaya nakiusap ito na siya ang humalili muna rito sa opisina. Wala namang problema iyon sa kaniya dahil tapos na ang homework niya. Naiinip din siya na walang ginagawa. Mas gusto niya’ng magtrabaho kaysa gumala.
He had done his paperwork in just two hours. He wants to monitor the situation in the laboratory. May report na nakarating na may mga hindi na accurate na equipment sa laboratory. Kailangan niya iyong matingnan at maaksyunan kaagad.
Patungo siya sa laboratory nang matanaw niya ang babaeng nakahiga sa bench sa gawing kaliwa ng pintuan. She wears a blue utility uniform. His forehead knotted as he comes closer to her. Huminto siya sa tabi nito. She looks familiar. Ito ang babaeng schoolmate niya na nagtatrabaho roon bilang cleaner. The jolly girl.
Nakanganga pa ang babae habang nakasayad ang kaliwang kamay sa sahig. Akmang aalugin niya ito sa balikat ngunit bigla itong gumalaw at kinapitan ang kanyang kanang braso.
“Hoy, ikaw! Sasakmalin kita! Yaah!” sigaw nito, sabay hatak sa kanya.
Nawalan siya ng panimbang kaya sumbsob ang ulo niya sa dibdib nito. Hindi siya nakaangat kaagad dahil umangkla ang braso nito sa leeg niya. Mabuti may dumating na officer in charge sa utility department, si Glenda. Inalis nito ang braso ng babae sa kaniyang leeg.
Kakaiba ito, hindi man lang nagising ang babae. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Hinapo siya sa ginawa nito at nagulo ang kanyang polo.
“Naku! Ang batang ere. Pagpasinsyahan mo na siya, sir,” ani ni Glenda. Gigisingin sana nito ang babae.
“Don’t wake her!” pigil niya rito.
Tulalang nakatitig sa kanya ang ginang. “Eh naka-duty ho siya, sir,” angal nito pagkuwan.
“Hayaan mo na. Ako ang bahala. Baka puyat kaya ganyan,” aniya.
“Palagi namang puyat ang batang iyan. Ang sabi niya, naisugod daw sa ospital ang nanay niya kaya hindi siya nakatulog. Hay! Sobrang sipag ng batang iyan, nilalagari ang katawan habang nagtatrabaho at nag-aaral.”
Napako ang paningin niya sa maamong mukha ng dalaga. She has a rare beauty, simple but dominating. He does not easily admire the woman in their physical appearance. Pero ang isang ito ay takaw pansin kahit walang arte sa katawan. Makinis ang kutis nito, katamtaman ang puti. Obvious na may lahi itong banyaga, like Spanish or some Latins.
“Nakahihiya namang dito pa natulog si Aniya. Ililipat ko na lang po siya sa lounge namin,” pagkuwan ay sabi ni Glenda, akmang bubuhatin ang babae.
Pinigil niya ito sa balikat. “Ako na, just guide me to the lounge,” he said.
Dahan-dahan niyang binuhat ang babae. Ang gaan nito, palibhasa payat at mukhang kulang sa bitamina. Sumunod siya kay Glenda sa lounge at inilapag sa sofa ang dalaga.
“Kapag nagising siya, pauwiin mo na. Huwag mo nang bawasan ang oras ng duty niya, charge mo na lang sa akin,” sabi niya sa ginang.
“Sige, sir.”
“And don’t tell her who brought her here.”
“Okay po.”
Bago siya lumisan ay sinipat niya ang dalaga. Gumalaw ito at nagsalita.
“Gusto ko ng cookies and cream ice cream,” sabi nito habang nakapikit.
“Hoy! Matulog ka nga lang bata ka!” sita rito ng ginang. Inayos nito ang kamay ng dalaga na nalaglag sa sahig. “Malamang gutom ‘to, pagkain ang bukam-bibig, eh.”
He can’t help but found her cute. Umiling siya saka tuluyang umalis. Nakatatagal lang siya’ng may kasamang ibang tao kung ito’y tulog. Pero kung gising at maingay ay naiirita siya.
Alas-diyes ng gabi nakauwi si Lucian. Wala pa sa bahay ang mga magulang niya. As usual, he will sleep without saying goodnight to them. May dinaluhang party raw ang mga ito. Tumambay siya sa penthouse. May hardin doon at munting swimming pool. Maalinsangan ang simoy ng hangin kaya naghubad siya ng damit at tumalon sa tubig. Lumangoy siya pabalik-balik sa magkabilang dulo.
Nang mapagod ay umahon siya at lumuklok sa concrete bench sa tapat ng pool. Tanging itim na underwear lamang ang kanyang suot. Napatingala siya sa maulap na kalangitan nang lumitaw ang bilog na buwan.
While gazing at the beautiful moon, he felt an unusual heat building inside his chest. His throat dried and sore as if he was dehydrated. He swallowed hard to wet his throat. Tumayo siya at paulit-ulit na bumuntong-hininga. Pakiramdam niya’y may makating bagay na naggagalawan sa kanyang dugo. It felt tickling.
Pumasok siya sa penthouse at uminom ng tubig na malamig. Napawi ang kanyang pagkauhaw. Paglabas niyang muli ay natulos siya sa kanyang kinatatayun nang mamataan ang bulto ng lalake na nakatayo sa kabilang dulo ng swimming pool. The man wore a black duster leather jacket with a hood. He can’t see his face because of the long hair strands covering the left side of his face.
Malaki ang pangangatawan nito at matangkad. Nagtataka siya. Paano ito nakapasok doon? Nasa third floor siya ng bahay, sarado ang gate at main door. Tulog na ang mga kawaksi at mayroon silang security guards.
“Who are you?” balisang tanong niya sa lalake.
Hindi ito nagsalita, sa halip ay tumalikod at biglang umakyat sa railing at tumalon. Patakbong sinundan niya ito. Lumapag ang lalake sa bubong ng extension ng kusina saka tuluyang bumaba sa lupa. Tiningala pa siya nito bago tuluyang umakyat sa pader. Hindi niya ito namukhaan dahil may kadiliman sa puwesto nito.
Tulalang nakatanaw pa rin siya sa mataas na pader kung saan ito tumalon. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Tao ba iyon? Kung magnanakaw iyon, bakit doon dumiretso sa rooftop at nagpakita pa sa kanya? Hindi siya sinaktan kung masamang tao man iyon.
Natigilan siya nang makaulinig siya ng alulong ng aso mula sa malayo. Nanririndi siya sa ingay at tila inaapuyan ang kanyang katawan. Nauuhaw na naman siya at humihilab ang kanyang sikmura. Naghapunan naman siya. Bakit ang bilis niyang nagutom?
Nagsuot siya ng damit at short pants saka bumaba sa ground floor. Naka-lock ang main door. Lumabas siya at nilapitan ang dalawang guwardiya na nag-uusap sa loob ng guard house, sa may gilid ng gate.
“May problema po ba, sir?” tanong ni Melvin. Napatayo ito.
“Wala ba kayong nakitang lalake na pumasok dito?” balisang tanong niya.
“Wala naman po. Nag-ikot ako kanina ilang beses sa bakuran. Tumambay rin ako sa backyard,” sagot naman ni Kardo.
Lalo siyang naguguluhan. Imposibleng siya lang ang nakakita sa lalake. Pinuntahan pa niya ang pader kung saan tumalon ang lalake. Ang hindi niya maintindihan, bakit naamoy niya ang bakas nito roon. Nanuot sa kanyang ilong ang natural na amoy ng katawan ng lalake.
“Magmasid kayo sa paligid. Baka masalisihan kayo ng magnanakaw,” sabi na lamang niya sa dalawang guwardya.
“Yes, sir!” panabay na sagot ng mga ito.
Bumalik siya sa penthouse at uminom muli ng tubig. Pagkuwan ay nagbanlaw na siya sa banyo roon. Ang weird talaga ng nararamdaman niya.
CURIOUS pa rin si Aniya kung sino ang naglipat sa kaniya sa lounge ng ospital. Noong tinanong niya si Ate Glenda ay hindi rin niyon alam. Nadatnan na lang daw siya nito sa lounge. Napasarap ang tulog niya kasi malamig at walang istorbo, kaso sleeping on duty ang labas niya. Pero ang nakapagtataka ay bakit hindi siya sinita at pinagalitan ni Ate Glenda.
Late na siyang pumasok sa hotel. May bawas na ang sahod niya kasi late siya ng isang oras. Akensi na noon pero kinagabihan pa niyon niya makukuha ang kaniyang sahod. Kailangan niya ang pera para sa pagpapagamot ng kaniyang ina. Hindi pa siya sigurado kung magkano aabutin ang bill nila sa ospital. Kahit may tumutulong sa kanila, hindi pa rin iyon sapat. Isa pa, malapit na ang preliminary exam, kahit scholar siya, meron pa ring ginagastusan.
Pagkatapos ng duty niya sa hotel nang madaling araw ay dumiretso siya sa ospital kung saan nakaratay ang kaniyang ina. Doon na siya natulog. May dala naman siyang mga damit at uniform. Apat na oras lang ang tulog niya dahil nagising na ang nanay niya. Alas-oso ng umaga pa naman ang pasok niya sa school.
Hindi makapagsalita ng maayos ang kaniyang ina kaya hindi na muna niya kinausap. Maaga namang dumating si Mang Anding upang palitan siya.
“Maggayak ka na, Aniya. Baka ma-late ka sa klase mo,” sabi ni Mang Anding.
“Maaga pa naman ho. Maglalaba muna ako ng damit ko sa bahay,” aniya.
“Nako! Masyado mong pinapagod ang sarili mo. Iwan mo na lang sa bahay ang mga labahin mo at nang malabhan ni Koreng.”
“Ah hindi na po. Nakakahiya naman kay Aleng Koreng. Konti lang naman ang labahin ko, sisiw ito.” Sininop na niya ang kaniyang gamit.
Nang makatulog ulit ang nanay niya ay nagpaalam na siya kay Mang Anding. Pasado alas-sais na ng umaga. Mabilisang paglalaba lang ang ginawa niya. Ang bilis ng oras. Pagkatapos ay naligo na siya. Nagbibihis pa lamang siya ay may kumatok na sa pinto.
Baliktad pa ang pagkakasuot niya sa kaniyang blouse. “Ay! Ano ba ‘yan? Sino ba kasi ‘yan?” palatak niya habang nag-aapurang inaayos ang kaniyang damit.
Maliit lang ang bahay na inuupahan nila. Merong dalawang kuwarto pero maliliit lang dahil ang mas maluwag na espasyo sa harapan ay ginawang tinadahan. Nang maayos ang kaniyang sarili ay patakbong tinungo niya ang pinto at binuksan.
“Ikaw lang pala ang nag-iingay rito,” si Jonie na bunsong anak ni Mang Anding. Nakabihis na ito at papasok na sa university.
“Ako nga, bakit?” mataray niyang sabi. Hindi sila magkasundo nito. Mapang-asar si Jonie at nanliligaw-biro.
Guwapo naman ito at mabait, matalino kaso mapang-asar lang. Doon siya naiinis dito. Matanda lang ito ng isang tao sa kaniya.
“Ang sabi ni Mama kung narito ka, puntahan kita at isabay na sa pagpasok sa school,” sabi nito.
Sinilip niya ang nakaparadang motorsiklo nito sa tapat ng bahay. Umaandar pa iyon. Himala at pumayag ito na isabay siya. Simula kasi noong sinuntok niya ito sa panga ay hindi na siya pinapansin.
“Magkano naman ang pamasahe?” aniya.
Ngumisi ang binata. “Walang bayad basta kumapit ka lang para hindi ka mahulog,” anito.
Tumikwas ang isang kilay niya. Alam niya na kaskasero itong magmaneho, palibhasa mahilig sa racing. Aayaw pa sana siya pero namataan niya si Aleng Koreng na palapit sa kanila.
“Aniya! Sumabay ka na kay Jonie nang hindi ka ma-late at tipid sa pamasahe,” sabi nito habang pasulong sa kanila. May bitbit pa itong walis tambo.
“Ah, sige ho. Salamat sa malasakit ninyo,” sabi na lamang niya.
“Walang anuman. Basta magmula ngayon, huwag kang maiilang sa amin. Pamilya na rin namin kayo,” anang ginang.
“Opo, salamat.”
“O siya, umalis na kayo baka mabinbin pa kayo sa traffic.”
“Sige po.” Kinuha na niya ang kaniyang bag.
Naghihintay na sa motorsiklo si Jonie. Nang makasakay siya ay kaagad itong humarurot. Napakapit siya sa baywang nito. May helmet naman siya. Mabuti sanay na siyang umangkas sa motorsiklo.
Ibinaba siya ni Jonie sa tapat mismo ng gate ng Dela Rama Medical School. Hindi pa siya nakapagpasalamat ay umalis na ito. Pumasok na lamang siya sa campus. Kamamadali niya ay nakalimutan niya ang kaniyang laboratory gown. Unang subject pa naman nila ay sa laboratory.
Natampal niya ang kaniyang noo. “Absent minded talaga ako!” usal niya habang malalaki ang hakbang sa pasilyo.
Kumislot siya nang sumagi sa kaniyang kanang balikat. Napahinto siya at lumingon sa gawing kanan. Napahinto rin ang lalaking sumagi sa kaniya at yumuko. Inayos nito ang sintas ng sapatos nito. Yumuko pa siya upang silipin ang mukha nito. Nang bigla itong tumayo nang tuwid ay nagulat siya.
“What?” masungit nitong untag.
Tumayo naman siya nang tuwid at umiling. “Uhm, w-wala,” naiilang niyang sabi.
Saka lamang niya nakilala ang lalaki. Ito ‘yong nakabangga niya at nakita sa ospital. Napako ang mga mata niya sa guwapo pero seryoso nitong mukha. Ang una niyang napansin ay ang maganda nitong mga mata na light brown ang kulay.
“Excuse me,” anito saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nasundan niya ito ng tingin. Dahil naka-focus lang siya rito, hindi niya namalayan ang babaeng pasalubong. Nagulat na lang siya nang pitikin nito ang tungki ng ilong niya.
“Aray!” daing niya.
“Ano ‘yan? Daydreaming?” ani ni Sunshine, na kaniyang kaklase at kaibigan.
Kumurap-kurap siya. Nawala na sa paningin niya ang lalaki. Namataan naman niya ang baklang kaibigan at kaklase na si Melbert. Palapit din ito sa kaniya.
“Uy, bakla! Sinisingil na ako ni Oman doon sa inutang ko na pinahiram sa iyo para pambili ng laboratory gown mo,” nakasimangot nitong balita.
Nanlumo siya. Wala pa rin kasi siyang pambayad, lalo na at nasa ospital ang nanay niya.
“Nako, bakla, eh wala pa rin, eh,” aniya.
“Kailan ka ba magbabayad? Wala rin ako, eh. You know, limited lang ang allowance ko,” sabi ni Melbert.
“Huwag kang mag-alala, kapag mayaman na ako, babayaran kita,” biro niya.
“Tse!” Tinampal siya nito sa kanang balikat. “Kailan ka pa yayaman?”
Sabay na silang tatlo naglakad.
“Yayaman si Aniya, Mel. Mag-aasawa iyan ng 4M,” sabad naman ni Sunshine.
“Anong 4M?” panabay pang tanong nila ni Melbert.
“Matandang Mayaman Madaling Mamatay.”
Humalakhak si Melbert. Siya naman ay napangiwi. “Gaga ‘to,” aniya.
“Hey, wait!” si Sunshine, napahinto pa sa paghakbang.
Hinarap naman niya ito. “Ano ‘yon?”
“Kilala mo ba iyong lalaking hinabol mo ng tingin?” tanong nito.
“Ah, hindi, eh.”
“Sinog lalaki?” sabad naman ni Melbert.
“Si Lucian Del Prado.”
“Ay, shet! Si Fafa Lucian!” tili ni Melbert.
Nangunot ang noo niya. “Lucian pala ang pangalan niya?” labas sa ilong niyang wika. Pero ang totoo, gusto niya ang pangalan ng lalaki, bagay sa hitsura at ugali.
“Oo. Alam mo ba? Anak pala siya ng may-ari ng Dela Rama Medical Center at itong school. Ang yaman nila, grabe. His dad was a governor,” kuwento ni Sunshine.
Napatda siya. Bigla siyang nanliit. Kaya pala nakita niya si Lucian sa loob ng opisina ng presidente ng ospital. Nahihiya na tuloy siyang pansinin ang binata. Ito ang laman ng isip niya kahit nang magsimula na ang activity nila sa laboratory.