Chapter 4

2182 Words
LUNCH break na pero hindi lumabas ng campus si Aniya upang kumain. Wala siyang baon. Tumambay lang naman siya sa canteen at natulog. Pinagdugtong niya ang dalawang silya saka doon humiga. Nang magising siya dahil sa ingay, bigla siyang napatayo. Nakatingin lahat sa kaniya ng estudiyanteng kumakain doon. Umuwi sina Sunshine at Melbert kaya mag-isa siya roon. Mabuti na lang mababait karamihan sa estudiyante roon, wala masyadong bully. Palibhasa halos lahat ng nag-aaral doon ay mayayaman at matatalino. Karamihan din ay anak ng mga artista at politician. Hiyang-hiya siya nang mapansin na siya lang ang sentro ng atensiyon ng mga naroon. Kinuha niya ang kaniyang bag saka lumapit sa counter. Biyente pesos na lang ang pera niya. Hindi na siya makabibili ng ulam. Isang cup na kanin lang ang binili niya na kinse pesos. Nakalimutan naman niyang kumuha ng sardinas sa tindahan nila kamamadali. Humingi siya ng toyo sa tindera. Binigyan naman siya nito ng konti at inilagay sa supot ng yelo. Lumabas siya at nagtungo sa likuran ng laboratory. Tahimik doon at walang tao. Ngunit nang pag-upo niya sa sementadong bench ay namataan niya ang pamilyar na lalaking nakaupo sa bench na mayroong bilog na lamesa. Kumakain ito. May dalawang dipa ang agwat nito sa kaniya at kitang-kita niya kung ano ang ulam nito. Napalunok siya ng dalawang beses nang matakam sa fried chicken. Minsan lang siya nakatitikim niyon sa tuwing may sobra sa sahod niya ay kaya’y mataong iyon ang rasyong ulam sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Bumibili siya sa Jollibee ng fried chicken pero once in a blue moon lang. Naalala niya ang pangalan ng lalaki. Si Lucian pala ito at anak ng may-ari ng school at hospital na pinagtatrabahuhan niya. Ang yaman nito pero ang simple tingnan. Ang guwapo pero cold. Naka-side view ito sa kaniya kaya bawat subo nito ay napapalunok siya. Mabuti nakahingi siya ng disposable na kutsara sa canteen at paper plate. Inilipat niya roon ang kanin at sinabawan ng toyo. Ini-imagine niya na fried chicken din ang ulam niya. May papikit-pikit pa siya habang ngumunguya. “Hm! Sarap ng fried chicken!” aniya, napalakas ang boses. Nang magmulat siya ng mga mata ay namataan niya si Lucian na nakatingin sa kaniya. Nangunot ang noo nito at napapatigil sa pagsubo. Ngumiti siya at kinawayan ito. “Hello, sir!” bati niya. “Kain po tayo.” Walang kibo ang binata. Nagpatuloy ito sa pagsubo. Ang hinhin nitong kumain. Kung siya ito, kakamayin niya ang fried chicken para mas ganado. Napasunod ang tingin niya sa buto ng manok na inihagis nito sa basurahan. Malaman pa iyon. “Sayang, laman tiyan din iyon,” bulong niya. Napalingon ulit sa kaniya ang binata na tila narinig ang sinabi niya. Kumaway siya ulit. Naiilang na siya kaya kumain na lamang siya. Maya-maya ay tumayo si Lucian. Akala niya ay aalis na ito pero bigla itong naglakad patungo sa direksiyon niya. Bitbit nito ang stainless nitong baunan. Nang huminto ito sa tapat niya ay tinakpan niya ang kaniyang kanin ng tinuping kalahati sa kaniyang paper plate. Inilapag nito sa tabi niya ang baunan nito. May isang buong hita ng manok pa at konting kanin na natira. May tatlong dibisyon ang baunan nito. “Kunin mo ang chicken, hindi ko pa naman nagagalaw,” sabi nito. Napalunok siya saka tumitig sa inaalok nitong fried chicken. Una ay nag-alangan siya, ngunit nang humilab ang kaniyang sikmura ay hindi na niya nasaway ang kaniyang kamay na kunin ang ulam. Mas mainam na iyon kaysa magnakaw siya. Nilunok na lang din niya ang kaniyang pride. Magugutom siya kung mag-inarte siya. Hindi naman siguro siya lalasunin ni Lucian. “Salamat, ah,” nakangiting sabi niya. Parang gusto na rin niyang kunin ang tirang kanin pero nahihiya na siya. Bitin kasi ang kanin niya. Hindi umimik ang binata. Kinuha lang nito ang baunan saka tinakpan. Lumapit ito sa lababo sa labas ng laboratory at nagsipilyo. Sosyal, mineral water ang ginamit nitong tubig pansipilyo. Saka niya naalala na wala pala siyang baong tubig. Wala na rin siyang pambili. Hindi bale, may tig-limang piso namang palamig sa labas ng campus. Sinundan niya ng tingin si Lucian. Iniwan nito sa lababo ang bote ng mineral water na kalahati pa ang laman. Natutukso siyang kunin iyon pero naiilang siya. Hindi naman nilaklak ng binata ang bote ng tubig dahil meron itong tumbler. Nang makalayo na si Lucian ay patakbong lumapit siya sa lababo at kinuha ang naiwang tubig. Solve ang uhaw niya. ANG weird ng pakiramdam ni Lucian. Since he met Aniya, he felt something unusual emotion that he had never encountered before. Ayon kay Ate Glenda, may problema raw sa pamilya si Aniya kaya palaging puyat. Hindi naman niya hiniling sa ginang na sabihin iyon pero hinayaan niya na magkuwento ito noong nag-mop ito sa opisina sa ospital. Dapat daw kasi ay si Aniya ang gumawa ng trabaho nito kaso ang daming trabaho. Wala namang espesiyal sa dalaga. Aywan niya bakit parang may kakaiba rito. Its obvious that Aniya was came from a poor family. At isa pang werdong pakiramdam niya ay bakit ang linaw ng pandinig niya? He heard Aniya while whispering, and he smelled what food she was eating. Actually walang ulam ang dalaga maliban sa toyo. Maawain siya pagdating sa ganoong tao. Iniisip kasi niya na ang unfair ng mundo. While the other people were wasting food and money, the others were just fine or nothing. Some people are suffering from poverty, no shelters, not enough food to eat. So sa halip na magtapon siya ng pagkain na hindi niya kayang ubusin, ibibigay na lang niya sa nagugutom as long as it was clean and safe. Naninibago rin siya sa kaniyang sarili. Humina ang appetite niya. Minsan ay tila hindi siya nabubusog, kung minsan naman ay walang ganang kumain. Nagsimula iyon noong may lalaking umakyat sa penthouse ng bahay nila. May kalahating oras pa bago ang klase nila. Wala naman siyang ibang tambayan kundi sa garden malapit sa laboratory. Doon lang kasi tahimik. Palapit na siya sa paborito niyang tambayang bench nang mapansin niya ang dalawang lalaki na may ginugulong babae na natutulog sa bench. Ang dalawang lalaki ay mga nursing student. At ang babaeng natutulog ay si Aniya. Kinakalikot ng isa ang tainga ng dalaga gamit ang hibla ng walis tambo. “Ano ba! Magsilayas nga kayo!” asik ng dalaga. Napaupo na ito at magulo ang buhok. “Uy, ang bait mo rito sa campus, ah. Pagdating sa baranggay natin ang siga mo,” anang isang lalaki na matangkad at payat. So, these two bastards were Aniya’s neighbors. “Natutulog ako, mga hangal! Ang babastos niyo!” palabang bulyaw ng dalaga. “Angas mo! Libre mo kami ng yosi!” sabi naman ng matabang lalaki. Nangunot ang noo niya. “Ang lakas ng loob ninyong magbisyo eh wala pala kayong pera! Bakit hindi kayo magtrabaho at hindi lang kinukupitan ang mga magulang ninyo para sa yosi ninyo? Ang lalaki ng katawan ninyo mga inotel! Pinaaral kayo nang maayos pero puro kalokohan alam ninyo!” Umalma ang dalawang lalaki. “Ang yabang mo, ah. Paano mo nalamang nangungupit kami ng pera sa magulang namin?” sabi ng matangkad na lalaki. “Eh di sa inyo rin! Noong bumili kayo sa tindahan namin ng yosi, minadali ninyo ako kasi mahuhuli kayo, at malaman na kinupit n’yo lang ang pera.” Tumawa ang matabang lalaki. “Ang talas talaga ang memorya mo. Hala, tama nang satsat! Baka may sampung piso ka riyan,” hirit nito. Tumayo naman ang dalaga at dumukot sa bulsa. She’s brave but fragile. Magbibigay talaga ito sa dalawang ungas. “Oh, heto!” sabi nito sa mataba. Naglahad naman ng palad ang lalaki. Nang makita kung ano ang inilapag ni Aniya sa palad nito ay naghimutok sa galit. Hindi pala pera ang ibinigay ng dalaga kundi candy na walang balat. Inihagis iyon ng lalaki at inambahan ng suntok si Aniya. Naalarma na siya. Hindi na sana siya makikialam pero ayaw niya ng bully sa school na iyon. Kung paano siyang nakarating na ganoon kabilis sa mga ito ay hindi niya alam. Basta nasalo na lang niya ang kamay ng matabang lalaki na susuntukin sana si Aniya. Titig na titig sa kaniya ang matabang lalaki. Pumalag ito ngunit hinigpitan niya ang kapit sa kanang kamay nito. “Ugh!” daing nito. Tutulong sana ang kasama nito ngunit hinarang niya ang kaliwang kamay. “Titigil kayo o maki-kick out kayo rito sa school?” banta niya. “Titigil na!” dumadaing na sagot ng mataba. Pinakawalan naman niya ito. Nang makalaya ay nagmamadaling umalis ang dalawang ungas. “Kaya ko naman ang dalawang iyon, eh. Kabisado ko na sila,” ani ni Aniya. Sinipat niya ito. Nakakuyom ang dalawang palad nito. “I know you can, but remember that you are here inside the campus. Once you are caught fighting with those two bastards, you will get a memorandum from the office. Baka ma-suspended ka. This school was violence-free, and bullies are not allowed,” paliwanag niya. “Eh hindi naman ako nagsimula ng gulo.” “Still, you’re violating the rules. Kaya umiwas ka na lang sa mga ganoong tao. Kaya ka nila ginugulo kasi may nakukuha silang benepisyo sa iyo.” “Hm! Takot naman ang mga iyon sa akin pagdating sa barangay namin. Mayayabang ang mga iyon pero walang maibuga pagdating sa sapakan.” “Hindi ka dapat pumapatol sa kanila. Babae ka, kailangan mo ng respeto.” “Respeto?” Hinarap siya nito. “Kahit anong tino ng babae, pagdating sa dalawang itlog na iyon ay walang silbi. Kaya dapat sa babaeng katulad ko ay marunong lumaban nang hindi naaapi.” May point naman ito pero para sa kaniya ay delikado rin para rito ang sobrang palaban. Baka pag-initan ito. But wait, ano ba ang pakialam niya? Kailan pa siya nakaroon ng pakialam sa buhay ng iba? “Take care next time. As much as possible, don’t sleep anywhere. Hindi lahat ng tao sa paligid mo ay matitino,” sabi na lamang niya saka iniwan ang babae. Nakalayo na siya nang tawagin siya nito. “Sandali lang, Lucian!” Natigilan siya. How did she know his name? Napalingon siya rito. Nakangiti na ito. “Salamat, ah! Promise hindi na ako matutulog kahit saan,” sabi nito. He didn’t talk. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Dumiretso na siya sa classroom nila. Huling subject na niya iyon sa araw na iyon pero hindi pa siya maaring uuwi dahil magre-report siya sa ospital. Saktong alas-tres ng hapon ay nasa ospital na si Lucian. His mom was there in the office and talking to Dr. Salvador Ignacio, the hospital consultant. Hindi na niya hinintay na matapos ang pag-uusap ng dalawa. Pumuwesto na siya sa tapat ng lamesa na katabi ng kaniyang ina. “Sige, Doc, we will go in your house for your daughter’s birthday,” sabi ng kaniyang ina sa kausap. “Thanks. Isama mo rin si Lucian nang magkaroon naman sila ng time ni Kimberly na magkuwentuhan. They both busy with their study since they are started taking medicine courses,” ani ni Dr. Ignacio. “Uhm, I’m not sure if Lucian will go with me. You know that my son was an introvert.” “Oh, that’s okay. Baka naman gusto niya ng ibang atmosphere.” “I’ll talk to him about it later. Thanks, Doc. See you on Sunday.” “Okay. I have to go.” Nagpaalam na si Dr. Ignacio. Miranda knows that he is not the kind of guy who is easily attracted to a woman. And he was aware of the friendship between his mother and Mr. Ignacio. Kilala rin niya ang anak nitong dalaga na si Kimberly. Nag-aaral din ng medisina si Kimberly sa Dela Rama Medical School. Ahead lang siya ng isang taon dito. Nang tumahimik ay sinimulan na niya ang paperwork. Parami nang parami ang trabahong inaasa sa kaniya ng mommy niya. Okay lang naman iyon sa kaniya. It wasn’t causes any conflict to his studies. “Would you like to have snack first, Lucian?” basag ng ginang sa katahimikan. “It’s okay, Mom. I’m not hungry,” he said while his eyes were on the papers. “Are you sure? Ano ba ang kinain mo kanina sa school? Nagbaon ka ba ng lunch?” “Yes, konti lang. Hindi naman ako nagugutom.” “Okay. Basta kapag nagutom ka, punta ka lang sa food center. Aalis ako ngayon dahil may pupuntahan kami ng daddy mo.” Tumango lang siya. “And Dr. Ignacio invited us for his daughter’s birthday on Sunday at their house. You know Kimberly, right?” anito. “Yes, but I have artwork to finish this Sunday. Nash requested more paintings for his hotel.” Bumuntong-hininga ang ginang. “Sige, huwag ka na lang sasama. Just do your work. But I have to go,” sabi nito saka tumayo. “Ingat,” sabi lang niya. “Bye.” Hinagkan siya nito sa kaliwang pisngi bago tuluyang umalis. Tinutukan lamang niya ang kaniyang trabaho at minadali dahil gusto na niyang umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD