HINDI maka-relate si Aniya sa usapan nina Lucian at Mang Elmer. Mabuti doon sa bahay nila natulog ang ginoo at nataon na biglang nagpalit ng anyo si Lucian pero hindi na lumabas ng bahay. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Mang Elmer bakit hindi nagwala si Lucian. Dahil sa magdamag na ingay ni Lucian sa kuwarto ay mag-uumaga na siyang nakatulog. Dahil tanghali nang nagising. Sa hapon na siya nag-report sa laboratory. Nagluto pa kasi siya dahil hindi pa pinauwi ni Lucian si Mang Elmer. May limang missed calls na sa kaniya ang ina ni Lucian. Hindi naman ito tumawag ulit o nag-text. Kung importante man ang sasabihin niyon, kukulitin siya o biglang susulpot doon ang ginang. Maaring na-miss lang nito ang anak. Kung kailan nasa laboratory na siya ay saka naman tumawag ang ginang. Kapapaso

