NAIWAN sina Nash at Aniya sa hapag-kainan dahil nauna nang natapos ang mag-asawang Del Prado. Napansin ng dalaga na biglang nanahimik si Nash matapos mabanggit ni Gng. Mildred ang tungkol sa kasal. “May balak na pala kayong magpakasal ni Lucian,” ani ni Nash sa malamig na tinig. “Huh? Wala pa naman kaming napag-uusapan tungkol doon. Nagsisimula pa nga lang kami sa pormal na relasyon,” aniya. “Ano ‘yong sinabi ni Tita Mildred?” “Hindi ko rin alam na may ganoong plano si Lucian. Siguro oo, pero hindi naman agad-agad. At saka nag-aaral pa kami pareho.” “Puwede naman kayong magpakasal kahit nag-aaral pa. Kahit saka na ang planong mag-anak. Pero para sa akin, masyado pang maaga para sa kasal.” “Tama ka pero kung talagang desidido na si Lucian, wala akong magagawa.” “Sigurado ka na ba na

