MASAKIT ang sintido ni Aniya nang magising siya umaga ng bagong taon. Tumagos na sa bintana ang sinag ng araw. Medyo masakit na ito sa balat nang tamaan siya sa mukha. Hindi siya kaagad nakabangon dahil sa pananakit ng kaniyang kasukasuan. Nakahiga sa tabi niya si Lucian at magkasalo sila sa kumot. Sinipat niya ang orasang nakasabit sa dingding. Alas-diyes na ng umaga. Nang makaipon ng lakas ay marahan siyang umupo. Wala siyang anumang suot na damit. Pagkuwa ay bumaba siya ng kama. Mabuti naroon ang kaniyang bag na may lamang mga damit nila ni Lucian. Inasahan na kasi niya na doon sila matutulog kaya nagbaon siya ng damit nila ng binata kahit alam niya na may mga damit pa roon si Lucian. Pumasok siya sa banyo at naligo. Nagkalat doon ang sabon at hinubad nilang damit ni Lucian. Pinulot n

