Chapter 57

2186 Words

MAAGANG nagising si Aniya dahil alas-nuwebe ang check up niya sa doktor. May resulta na rin ang blood chem niya. Sabi ni Lucian, saka na siya magsisimula sa trabaho kapag okay na ang medical niya at walang problema. Nagluto muna siya ng almusal. Kahit hindi siguradong kakain si Lucian ay dinamihan niya ang niluto. Hindi niya alam kung anong oras magising ang binata kaya nauna na siyang kumain. Pagkatapos ay naligo at inihanda ang kailangan sa check-up. Bago siya umalis ay pinakiramdaman niya ang kuwarto ni Lucian. Tahimik naman sa loob nang idikit niya ang kaniyang tainga sa pinto ng kuwarto. Tamang-tama lang ang dating niya sa clinic. Dala na niya ang resulta ng blood chem at ibang test saka ibinigay sa doktor. Ni-review lang nito iyon at isinagawa ang physical exam sa kaniya. “Okay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD