NAWALA na sa paningin ni Aniya si Lucian. Natapos na silang sumayaw ni Miguel at nagyaya itong kumain. Buffet ang pagkain kaya kanya-kaniyang kuha ng pagkain. Nahihiya naman siyang iwan kagad si Miguel dahil wala si Nash. “What is this?” tanong ni Miguel at itinuro ang cassava cake. “Uh, that was cassava cake,” aniya. “It looks rare. You mean, this cake was made of cassava?” “Yes, a common Filipino dessert.” “Hm, I’ll try this one.” Kumuha ito ng isang hiwa ng cake. Hindi na niya sinabi na siya ang nag-bake niyon. Ang kinuha lang niya ay ang kanin at ulam na beef teriyaki. Meron din siyang macaroni salad at maliit na hiwa ng mocha cake. Konti lang ang pagkain ni Miguel, walang kanin. Pasta lang at salad ang kinuha nito maging cake. Bumalik sila sa lamesang inukupa niya noong una. W

