Chapter 55

2256 Words

GABI ang selebrasyon ng kaarawan ng mommy ni Lucian at gaganapin sa family house. Doon na dinala ni Aniya ang mga sangkap sa cassava cake. Dahil mas iniintindi niya ang cake, hindi na niya iniisip ang damit na isusuot niya. Nagbaon lang siya ng pantalong maong at pulang blouse. Hapon pa lang ay inayos na ang poolside venue at doon ang handaan. Mabuti na lang tinulungan siya ni Manang Rosa sa paghahanda ng sangkap. Ang catering ay sagot ng restaurant ni Nash. Busy pa si Lucian sa laboratory kaya hinatid lang siya nito roon. Hahabol na lang daw ito sa party. Alas-siyete na ng gabi naluto ang kaniyang cake na good for fifty persons. May mga bisita na ring dumarating. Abala na si Miranda sa pag-aasikaso sa dumating na mga bisita. “Ako na ang bahala rito, Aniya. Maligo ka na at magbihis,” s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD