Sa Loob ng kuwarto nang mag-asawa ay tahimik pa rin si Sorra, habang nakahiga ito sa tabi ng asawa. Hindi naman ito maitago sa mata ni Hygiean. "May problema ka ba?" Pag-alala ni Hygie at kinapa ang noo nito. "Wala naman, hindi lang maalis sa aking isip ang kaligtasan mo. Lalo na ngayong tahimik ang mga kalaban, sigurado akong may binabalak na sila para sa iyo." Sumandal sa balikat ni Hygien. "Basta, ipangako mo sa akin na hindi mo gagamitin ang iyong kapangyarihan." "Uhmm… ayaw ko! Gagamitin ko ito kung kinakailangan." Labag sa kalooban ni Sorra ang kaniyang binitiwan na salita sa asawa. Ngunit kailangan niyang magpakatoto dahil hindi basta-basta ang kanilang kalaban. Hindi nagsalita si Hygiean at niyakap na lang niya ito at hinalikan ang noo. "Nagtampo ka ba?" tanong ni Sorra.