Episode 24 - First Move to Revenge

2212 Words

KINABUKASAN nagising si Sorra na sobrang sakit ang kaniyang buong katawan kaya nahihirapan ito sa pagbangon. "Hygie…" tawag niya dahil wala na ang asawa sa kaniyang tabi. "Dito ako sa banyo, may kailangan ka?" "Wala naman, medyo masakit lang ang buo kong katawan." "Sandali-sandali!" taranta nitong sabi at nagmadaling lumabas. Na tanging tuwalya lang ang takip sa kaniyang ibabang bahagi. Agad niyang kinapa ang ulo ng asawa, medyo mainit nga ito nang kunti. "May lagnat ka Sorra, tatawag muna ako sa reception para magpadala ng gamot dito." "Huwag na, mag-tubig na lang ako." "Sigurado ka?" "Oo." Kumuha siya ng tubig at dali-daling pinainom ang asawa. Pagkatapos ay kaniya itong ipinahiga, tumabi rin siya at sabay yakap. "Kapag hindi bumaba ang lagnat mo ay iinom ka ng gamot, ha."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD