"What?! Are you serious?" Halos hindi ito makapaniwala. "Parang gulat ka. Nagpakasal sila noong nawala sila nang ilang araw." "I see. Paano pala sila nagkakilala? Sa tingin ko isa siyang probinsiya na." "Tama ka probinsiyana si Sorra, pero napakahalaga niya kay bossing. Si pre — I mean siya ang nagligtas kay bossing. Si Sorra ang kaniyang unang pag-ibig. Kung may naramdaman ka para kay bossing, pigilan mo na habang maaga pa. Upang hindi ka masaktan, huwag ka ring magbalak na guluhin sila dahil hindi kita pahintulutan." diretsahang sabi ni Dan. Hindi nakakibo si attorney Cherry sa sinabi ni Dan at nagdahilan na lang ito na may tinitingnan sa dokumentong hawak niya. Subalit ang kaniyang isip ay naguguluhan, kung dapat ba niyang pakinggan ang sinabi ni Dan. She really like him, pero na