DANAYA Nakarinig ako ng papalapit na mga yabag palapit sa silid kung saan ako nakakulong ngayon, kaya mabilis kong isiniksik ang cellphone na gamit ko sa pagitan ng aking mga dibdib at mahigpit na hinawakan ang gatilyo ng baril na nakatago sa likuran ko. Mabuti na lang at madilim ang buong silid. Nakatulong ito sa akin para maprotektahan ko ang aking sarili dahil hindi nila nakikita ang bawat kilos ko. “Miss, ayos ka lang?” narinig kong mahina at halos pabulong na tanong ng babaeng lumapit sa akin. “Ayos lang ako,” sagot ko, kahit malakas ang kabog ng dibdib ko. “Kailangan mo nang makaalis dito, dahil pinag-utos ni boss na iligpit ka kapag natapos ka nang pagsawaan ni Greg,” mahinang sabi ni Joan. Narinig ko ang kalansing ng susi. Naramdaman kong hinawakan ni Joan ang braso ko at ma

