DANAYA Yakap ako ni JC habang nakaunan ang ulo ko sa kanyang braso at nakapikit, dinadama ang init ng magkalapat na mga hubad naming katawan. Katatapos lang ng intense na pagtatalik naming dalawa, at pareho kaming pagod na bumagsak sa ibabaw ng kama. Hindi na rin kami nakabalik sa ibaba dahil nang tawagan ni Ninong Jared ang asawa ko, sinabi ni JC sa ama na kailangan raw niya akong samahan dito sa silid ko dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi na siya pinilit pa ni Ninong Jared na bumaba at humarap sa mga ninong namin. Mabuti na lang at nakaisip agad siya ng dahilan sa ama, kaya hindi kami tinukso kung bakit nagkulong kami dito sa loob ng silid ko. Hinaplos ng asawa ko ang aking bewang at marahang pinisil-pisil. “Tired?” malambing na bulong niya sa akin. “Oo,” sagot ko. Napangiti tul

