DANAYA Hindi pumasok ngayong araw sa opisina si JC dahil sinamahan niya akong pumunta sa shopping mall para bumili ng mga gamit sa bahay para kay baby. Nag-hire na rin siya ng designer na nag-aayos sa kabilang silid ng kwarto namin at gagawing nursery room, para may sariling silid na ang anak namin. We are excited. Hindi nga namin alam kung saan kami mag-uumpisa, pero isa lang ang goal namin, at iyon ay makapamili kami ng mga gamit ni baby sa bahay. From bed to pillow, mga personal stuff na gagamitin niya sa pagligo, lahat iyan nasa listahan ko. Hindi nga ako halos nakatulog kagabi dahil nag-search ako online kung ano ang mga dapat naming bilhin para wala kaming makalimutan. Hindi namin sinama si baby ngayon dahil mas mabuting maiwan muna siya sa bahay. Mas makakakilos kasi ako at ma

