DANAYA “JC!” malakas na tawag ko sa pangalan ng asawa ko. “Don't worry, baby, I'm with you,” sagot agad niya habang yakap ako ng mahigpit at nakadiin ang aking likuran sa malamig na pader. “Don't move,” bulong niya sa akin. “Why?” kinakabahan na tanong ko. “Baka matusok ka ng bakal,” sagot niya. Gamit ang isang kamay, dahan-dahan kong iginalaw ang aking braso at dinukot sa bulsa sa likuran ng asawa ko ang kanyang cellphone. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang flashlight ng cellphone na hawak ko, kaya nakita ko na may tumusok palang bakal sa tagiliran ng asawa ko kaya hindi siya makagalaw dahil wasak ang mga pader sa paligid namin at ang tanging natira ay ang sinasandalan ko. Kaya pala nakayakap sa akin ang asawa ko dahil muntik itong tumama sa katawan ko, pero dahil

