JC Dahil sa nalaman ko tungkol kay Trixie, nagkaroon ako ng hinala sa tunay na intensyon niya sa paglapit sa akin. Nagdududa ako dahil itinago niya sa akin ang tungkol sa kanyang pamilya at kaugnayan kay Danaya. Magpinsan pala silang dalawa, pero kahit minsan, hindi niya sinabi sa akin na kilala niya si Danaya. Even Danaya, she seems not to know Trixie well, kasi wala akong nakikitang recognition sa kanilang dalawa kapag magkaharap sila, na para bang hindi sila magkakilala. “Dig more, agent. Gusto kong malaman ang lahat tungkol kay Trixie.” “Sige. Babalitaan na lang kita kapag may nakuha akong bagong impormasyon, Mr. Laxamana,” sabi ni Agent Ducay. Kinuha ko ang tseke sa loob ng compartment at nagsulat ng isang milyon at binigay ito kay Agent Ducay. Inabot naman niya ito at nakangit