DANAYA Nakabantay ako sa posisyon ng lalaking target namin ni JC. Alerto ako at hinihintay na lumabas siya sa kanyang pinagkukublihan. Threat siya sa amin, kaya hindi kami puwedeng makampante. Hangga't buhay siya at malaya sa labas, banta siya sa kaligtasan namin kahit narito kami sa loob ng beach house. Tama lang talaga na bumalik na kami sa Maynila dahil base sa nangyari ngayon, sigurado ako na natunton na kami ng mga kalaban ng organisasyon ng aming mga pamilya. They are following us because they want us. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa amin, pero sigurado ako na kami ang sadya nila kaya sila pumunta dito sa beach house. Pero hindi nila inaasahan na handa kaming dalawa ni JC, kaya napatumba namin sila. Gumalaw ang lalaking target ko. Nakadapa siya at nakikita kong sumi

