DANAYA “What did you just say?” mariin na tanong ni JC kay Aidan. “Wala akong sinabi,” mabilis na sagot ni Aidan. “Meron, narinig ko,” agad kong sagot. “Hindi ba, Faye?” “Opo, Ate,” mabilis na sagot ni Faye. “Dapat sa akin ka kakampi,” sabi ni Aidan sa asawa. “Look at them, they are both grilling me.” “Are you sure na si Romeo ang kapatid ko?” seryoso ang ekspresyon na tanong ni JC kay Aidan. “Hindi. Bakit hindi siya ang tanungin n'yo? Baka sakali na magsabi siya ng totoo,” agad na sagot ni Aidan. Sinamaan siya ng tingin ng asawa ko. Nakita kong kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Ninong Jared. “Dad, I have some information about Jake,” sabi ni JC sa kanyang ama. “I haven't confirmed yet, pero alam ni Aidan kung sino siya at nasaan ang kapatid ko… He's here, in fro

