DANAYA Gabi na nang dumating dito sa penthouse sina Aidan at JC. Magkasama rin silang bumalik matapos puntahan ang lugar kung saan nakadistino ngayon si Romeo. “Thank you, Ate Dana,” sabi ni Faye sa akin. Niyakap ko siya. “Take care of yourself, okay?” Tumango naman si Faye at tipid na ngumiti. Si Aidan naman ay kanina pa tahimik at nakasimangot, kaya hindi ko na lang pinansin. Nang makaalis na ang pinsan ko at ang kanyang asawa, hinarap ko si JC at kinumusta ang naging lakad nila ni Aidan kanina. “Nagkita ba kayo ng kapatid mo?” tanong ko kay JC. “Yes,” sagot ng asawa ko. “He was distant to us. He doesn't want to go back home at gusto raw niyang mabuhay ng mag-isa dahil nasanay na siya.” Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si JC. “I'm just worried about Mom. Hindi ko alam k

