DANAYA Gaya ng usapan namin ni JC, dinalaw namin si Baby J dito sa sementeryo. Sinama rin namin ang kambal para kahit bata pa sila, alam na nila ang tungkol sa kanilang kapatid. Alam kong naririnig niya kami, kaya pinakilala ko kay Baby J sina Duncan at Janica. Hindi ko alam kung nauunawaan na ng mga anak ko ang nangyayari ngayon, pero nakita ko silang tahimik at nakikinig sa amin habang kinakausap ko ang kanilang kapatid. Hinayaan naming gumapang sa ibabaw ng puntod ni Baby J ang kambal. Gusto kong iparamdam sa anak ko na kahit wala na siya, hindi namin siya nakakalimutan. “Baby, ayos ka lang ba?” tanong sa akin ng asawa ko. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nakaramdam kasi ako ng pagkahilo, kaya sumandal muna ako sa kanyang balikat. Pinakiusapan ko si Manang na siya muna ang bahala

