DANAYA Dinampot ko ang cellphone ko at tinawagan si Vanessa. Nagbilin ako sa kanya na alagaan nilang mabuti ni Manang ang mga anak ko dahil aalis ako at lalabas muna ng bahay. “Let's go,” yaya sa akin ni Romeo. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil maayos naman ang suot ko. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Romeo para puntahan si Aidan. Si Romeo ang nagmamaneho dahil kotse niya ang ginamit namin pag-alis. Nakasakay ako sa front seat nang makita ko siyang hawak ang cellphone at nag-selfie pa kasama ako habang naghihintay kaming gumalaw at magbago ang traffic light. “What are you doing?” kunot ang noo na tanong ko kay Romeo. “Nag-selfie lang para makita kung gwapo pa ako,” naka-ngising sagot ni Romeo. “Patingin!” Kinuha ko ang cellphone sa kamay niya, kaya nabitawan it

