JC Nadatnan kong tulog pa si Danaya habang sinusuri ng kanyang doktor ang kanyang sugat. Bago pa lang ito, kaya kailangan ng tamang paglinis. Pagkatapos, gamit ang aparato, dahan-dahang tiningnan ng doktor na kasama namin dito sa silid kung ano na ang estado ng sugat sa tiyan ng kinakapatid ko. “Everything seems good, sir. Sa tingin ko, wala na po kayong dapat alalahanin pa dahil nakikita kong unti-unting natutuyo na ang kanyang sugat. Her organs are all in a good place, tumigil na rin ang pagdurugo ng kanyang sugat at nasa stage of recovery na po ang pasyente.” Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Kahit paano, nabawasan ang pag-aalala ko kay Danaya dahil maganda na ang kondisyon niya at unti-unti nang natutuyo ang sugat at tahi sa kanyang tiyan. “Give me ten minutes,” sabi ko sa nu