JC Nagkalat ang dugo ko sa sahig, pero hindi nila agad ako dinala sa ospital. May dumating na doktor at inutusan siya ni Lolo Sabby na tanggalin ang bala sa hita ko at gamutin ang aking sugat. Binutas at ginupit lang ang jeans na suot ko, at pagkatapos ay tinurukan ng anesthesia. Sa harap ng mga ninong ko, inalis ang balang bumaon sa aking hita at tinahi ng doktor ang sugat ko. Naririnig ko silang nag-uusap sa harap ko, pero hindi ko magawang sumabat. Paminsan-minsan lang ako nagsasalita kapag tinatanong ako kung bakit ko pina-imbestigahan si Danaya, kaya sinabi kong hindi ko siya matawagan. Kaya pinahanap ko siya, lalo na’t hindi siya umuwi sa kanyang penthouse. “Let’s unite and focus on searching for Danaya,” pormal na sabi ni Ninong Declan sa lahat. “Saka tayo mag-uusap kung ano an