DANAYA “Anak, kumusta ang pakiramdam mo?” Mula sa kinatatayuan ko, narinig kong bumukas ang pintuan ng aking silid at pumasok pala ang aking ina. Nakatayo ako sa tapat ng bintana at malayo ang tanaw ko nang lapitan ako ni Mommy. Tanging tipid na ngiti lamang ang sinukli ko kay Mommy at hindi ko sinagot ang tanong niya dahil ayaw ko siyang mag-alala sa akin. “I'm fine, Mom.” Ngumiti rin sa akin si Mommy. Kinabig niya ako at hinalikan sa noo. Kahit walang anumang usapan ang namagitan sa aming dalawa, sapat na sa akin na nakakulong ako sa kanyang mga braso at nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan para maramdaman ko ang suporta ng aking ina. Hanggang ngayon, wala akong narinig na kahit ano mula sa kanila ni Daddy kahit nalaman nila kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni JC. H