DANAYA Sampung minuto lang kaming naghihintay nang marinig kong dumating si Adi, sakay ng kanyang chopper. Alam kong siya ang sakay nito dahil kilala ko na ang tunog kapag siya ang nagpapalipad ng helicopter. Hindi ako lumabas at nanatili dito sa loob ng library ni JC. Dapat sana ay aalis ako para puntahan ang aking mga magulang, pero dahil sa nangyari, ipinagpaliban ko muna ito dahil malakas ang kutob ko na may makukuha akong mahalagang impormasyon mula sa babaeng nahuli ko para matunton na namin si Diane. Bumukas ang pintuan at pumasok si Aidan. Matapos niyang ngumiti, agad siyang sumulyap sa babaeng nakahandusay sa sahig, at pagkatapos ay bumaling sa akin at nagtanong. “What's going on here?” “Nahuli ko, tauhan ni Diane,” walang emosyon na sabi ko sa aking pinsan, at pagkatapos

