DANAYA “Ma'am, wala po kaming ginagawa ni Sir JC dito sa loob ng opisina niya,” nakayuko at nanginginig ang tinig na sabi ng babaeng kaharap ko. “Baby, please calm down,” pakiusap ng asawa, pero tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Hindi ako maaaring nagkamali sa nakita ko, kaya bumangon ang inis na nararamdaman ko. “Kung totoong nabasa ng kape ang damit ng asawa ko, bakit ang lapit ng mukha mo sa kanya at nakahawak ka pa sa balikat niya?” mariin at matigas na tanong ko sa katulong ni JC. “Na-out of balance po kasi ako, ma'am, kaya po napahawak po ako kay Sir JC,” paliwanag ng babae. “I'm sorry, baby. Nagulat kasi ako sa ginawa niya, kaya natabig ko siya at muntik matumba kung hindi siya nakahawak sa akin,” sabi naman ng asawa ko. Bumaling ako sa aking asawa at matalim ang mga ma

