DANAYA Hindi na ako pumayag na sumama si JC sa ospital, kaya hindi rin niya ako pinaalis ng bahay nang hindi siya kasama. Tumawag siya sa ospital at pinapunta na lang dito sa bahay ang isa sa magaling niyang doktor doon para matingnan ang sugat ko at masiguro na hindi kumalat ang rabies sa aking buong katawan. Wala pang isang oras ang lumipas nang dumating ang doktor na pinapunta ni JC dito sa bahay. Sinuri agad nito ang dugo ko, pati na rin ang aking temperatura para malaman kung nagkaroon ba ng side effects ang gàmot na tinurok sa akin noong nakaraang linggo. Matapos akong turukan ng gàmot, nagpaalam agad ang doktor at sinabing babalik na lang sa susunod na session ko dahil kailangan pa pala akong turukan pagkatapos ng isang linggo. Nang makaalis na ang doktor, pumunta ako sa kusina

