DANAYA “Kami na ang bahala kay Diane. Huwag mo na siyang alalahanin pa,” sabi ni Ninong Declan. “No, sa amin siya may kasalanan, kaya dapat lang siyang managot sa amin, Ninong,” matigas na sagot ni JC. “And how about my daughter? What if you've impregnated her again?” magkasunod na tanong ni Daddy sa kanya. “You have my word, Ninong. I'm ready to marry Danaya now. It's just that she is hesitant to accept it,” paliwanag ni JC. Tinanong ulit ako ni Daddy, pero hindi nila ako napilit na magpakasal kay JC. Nagmatigas ako kahit paulit-ulit na sermon ang natanggap ko dahil wala ito sa plano namin at ayaw kong magmadali kami sa kasal dahil lamang sa iyon ang gusto nila. “Ang titigas talaga ng mga ulo ng mga bata ngayon,” napailing na sabi ni Ninang Avery. “Kahit ako, hanggang ngayon, hindi

