DANAYA Kung nakakamatay ang masamang tingin, ay kanina pa sana bumulagta na sa harap ko si JC sa talim ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Pinahamak talaga ako ng lalaking kaharap ko kay Mommy. Dahil sa katabilan niya, siguradong ipapatawag ng aking ina sina Ninong Jared, at hindi malayong pag-usapan nila kung anong narinig ni Mommy sa usapan namin ni JC kanina. Kulang na lang ay lumubog ako sa kinauupuan ko dahil sa hiya. Isipin ko pa lang na mag-uusap sila, tapos ganoon ang topic ng kanilang usapan, ay nakakaramdam na ako ng labis na kahihiyan. “Relax, baby,” sabi ni JC sa akin, pero tinapunan ko siya ng masamang tingin. “Paano akong magre-relax, e, nakita mo naman kung anong nangyari kanina?” inis na sagot ko. Tumawa pa si JC. Wala akong nakikitang pag-aalala sa kanya at pa

